Ang Lasing at Ang Bayong ng Balot

Isang gabi, may Lasing na nag-lalakad. Nakasalubong ng Lasing ang mag-babalot. Dahil wala sa sarili nagawang saktan ang nakasalubong at nakawin ng Lasing ang bayong ng balot.

Umuwi ang Lasing sa kanyang pamilya at tahanan. Tinago ng Lasing sa silong ng kubong bahay ang bayong ng balot. Umakyat ng bahay ang Lasing, tuluyang nakatulog at sa umaga ay nakalimutan na ang bayong ng balot.

Lumipas ang mga araw, ang bayong ng balot na tinago sa pundasyon ng bahay ay nabulok. Lumaon sumingaw ang masamang amoy sa buong tahanan ng Lasing. Masama ang epekto ng masamang amoy, nasira ang kasiyahan ng pamilya ng Lasing, nasira ang kalusugan ng mga anak at ang mag-asawa ay nag-kasakit na rin.

Namulat ang Lasing, na-alaala ang bayong ng balot. Dali-daliang inilabas mula sa silong ng tahanan ang itinago - ang nabubulok na bayong ng balot.

Ibinilad ng Lasing ang bayong ng balot sa Liwanag at Init ng Araw.

Nag-sisi ang Lasing nangakong magbabago na at hindi na mag-lalasing pa.

Nawala din ang masamang amoy sa tahanan, at lumipas pa ang mga araw, bumalik ang kalusugan at kasiyahan ng buong pamilya.