May tatlong magkaibigan na naglalakbay.
Ang unang kaibigan, nakapag-isip na lumihis sa tinahak na landas. Naglakad sa gilid ng mapanganib na bangin dahil ito ay may masarap na hangin at nakaka-pukaw damdamin.
Ang pangalawang kaibigan, humanga sa unang kaibigan. Ang pangalawang kaibigan ay nagsalita ng kahangaan sa kagalingan at lakas loob ng unang kaibigan. Dagdag pa puwedeng sumikat ang unang kaibigan at sasama pangalawang kaibigan sa pagbaybay sa gilid ng mapanganib na bangin.
Ang pangatlong kaibigan ay nangamba at nag-alala. Pilit na hinahatak ang kaibigan bumalik sa tamang landas. Pinag-sabihan ang dalawa na dito sa simpleng landas, diretso silang makakarating sa patutunguhan.
Sino ang tunay na kaibigan.
...