LIFE is NOW




***

Malayang Pag-uusap

Tayong dalawa ay nadanasan masaktan
ng sakit sa puso't damdamin.
Mapapatawad ang pagkakamali
pero ang malubhang sugat ay matagal maghilom.

Dahil sa sakit-loob,
ang pag-uusap ay guardiado
ayaw masaktan muli o makasakit pa.

Sa sobrang ingat
ang taos pusong pag-uusap ay naglalaho,
nawalan ng unawaan o tiwalang maunawaan.

Madalas sa kawala ng pasensiosong pang-unawa,
resulta ay awayan at dagdag na galit't sakit sa puso.

Nawala ang resonableng pag-iisip sa awayan
at nagmimistulang hayop, laban o takbo.
Sarili lang ang impotante, manalo o isalba.

Kapag napuno ng sakit ang looban,
sa galit nauuwi ang usapan.
Panalo ba mas malakas sumigaw?
Panalo ba ang nag-salita ng mas masakit?
Walang panalo sa mag-asawang pinag-isa,
at talo ang lahat sa pamilya

Mahirap pag-usapan ang mahalaga at malalim,
mga paksang buhay magasawa.
Kung walang bigayan at makasarili
kung walang unawa at dudang maunawaan.

***